Okayyy, Its back for another season!
I always enjoyed watching true crime documentaries, ever since Detective Conan ahhahahaha, joke lang! pero I enjoy talaga watching these kinds of shows pero usually puro western or about sa mga crimes sa ibang bansa ang napapanood ko meron konti konti about sa Philippines pag meron nag cocover nito, for example nakakita ako dati kay Stephanie Soo about sa story of Maguad Siblings nag cover siya non before and then kay Megan yung Dark Asia with Megan nakita ko yung video niya na House on Zapote Street.
I remember after ko mapanood yun sabi ko bakit wala tayo masyado about sa crime dito sa atin mismo hindi masyado natatackle yung mga crime na nangyari, wait actually meron pala hahahhaha like Imbestigador, SOCO, Pinoy Crime Stories ang kaso may dramatization kaseee hahahaha hindi ko like yun so hindi ko siya ganon pinapanood, yung mga iba lang na napi-pique yung interest ko but yung dramatization hindi talaga siya for me.
So nung naghanap ako ng mga bagong papanoorin na about sa Philippines nakita ko yung isang video from ABS-CBN channel na Philippines Most Shocking Stories, so nag try ako manood ng isa ang surprisingly, ganito yung mga gusto kong atake ng videos, parang nagkwekwento lang but also feeding you informations about sa story. Honestly, sobrang natutuwa ako kasi nag cocover sila di lang yung mga sikat ng kwento abot sila way way back pa na mga naganap sa Philipines hence, the title nga na most shocking stories.
Nakakatuwa kasi, natatackle nila yung mga ibang lumang stories kaya may chance pa na magkaron ng sagot yung mga stories na naclosed na lang kasi kulang yung mga evidence or napaglipasan na ng panahon, at least for some victims diba kahit papaano mafefeel nila na di nakalimutan yung mga nangyari sakanila. I remember may isang story sila na nacover na naopen ulit yung case kasi ata may mga bagong lead or something na nangyari kaya nareopen siya basta about sa Korean na pinatay dito. Kaya sobrang kudos sa team behind nito, sana tuloy tuloy pa sila gumawa ng ganito at macover yung mga stories na nangyari sa bansa natin.
The only thing na hindi ko nagustuhan dito is wala nga silang dramatization pero gumagamit sila ng AI for visualization, for me lang i think hindi na kailangan? also bakit AI? huhuhu sana ma-less yung pag gamit nila, i think enough naman yung mga clips na sinasama nila minsan from TV Patrol and from their own reports. Kasi minsan sila mismo yung reporter na nag cover ng story na in-air sa TV Patrol.
And yes speaking, yung mga presenter na nag kukwento bawat story dito sa series na ito ay mga journalist kaya talagang maganda yung way na pag prepresent nila sayo ng stories plus kung sila mismo yung nag cover may mga insights pa sila na mabibigay sayo. Lahat ng host na sa lahat ng season sobrang galing mag kwento. Basta sobrang galing lahat ng bumubuo nitong team, i hope na tumagal pa to and maraming season pa ang dumating. Pero parang ang tagal ng pagbabalik ng season ngayon? hahahahah. Kasi parang last time mabilis lang yung waiting ko ng season 3 tapos every tuesday forda abang talaga sa new videos hahahaha.
Here is the playlist of Philippines' Most Shocking Stories from ABS CBN channel:
Anyways, i just want to share this series sa inyo, sana marami pang makapanood at sumuporta sa team na to. Thats all for this post.
Thank you for reading!

No comments:
Post a Comment