Mga Kinain Namin sa Fusion Alley
Ang plan na ginawa naming budget is 500 each muna pinagsama sama namin then yun yung gagamitin namin sa pag bili bili if ever makulang mag aadd kami ng amount. Pero sa whole stay namin don yan lang talaga yung budget na ginamit namin di na kami nag add, at kumasya naman hahahahhahah. Kada order namin nag sheshare kami don para matikman lahat.
1. Crispy Lechon Rice - 135
Di ko alam pero nagkanin muna kami isang order lang naman yan tapos hati hati kami buti mabait yung seller nanghingi kami ng extra spoon nito hahahaha. As for the for the lechon, di siya super crispy hahahahah pero okay siya may lasa naman, pero parang nakontian lang ako sa serving niya.
2. Dynamite - di ko sure magkano per cup
Maanghang be hahahahhaha, pero masarap siya napabili lang agad ng tubig kasi wala kong baon na water hahahahha.
3. Dragon Fruit Juice - 50
Infairness masarap siya, di ako mahilig dito pero okay siya, creamy din medyo matamis pero goods naman.
4. Baga ng Mama Mo - di ko din alam magkano
Ito for me kasi nasa suka talaga ko nag bebase sa sarap e, meron pa mas masarap ako natikman na suka para sa baga, kaya di ko masyadong natripan, pero di naman malansa yung baga nila sakto lang din yung luto.
5. Cheese Bomb & Enoki - 135 each
Yung isang enoki kasi ma nakikita namin madaming tao kaya dito na lang kami bumili ng enoki hahahhah tapos triny namin yung cheese bomb and mas nagustuhan namin yon kesa sa enoki nila hahahahhaha
6. Cheesy Corn - nakalimutan ko na din magkano
Ito masarap din, sakto lang din timpla hindi maalat.
7. Coco Mogu Lychee - 65 ata to 1Liter
Naintriga lang ako sa laki niya kaya triny ko tapos lychee yung flavor na inorder ko and masarap siya super refreshing lasa mo talaga yung lychee. Madami tao dito pero mabilis lang din pag serve nila.
8. Takoyaki - medyo nalito kami sa price na nakadisplay hahaha pero 100 pesos ata binayad namin basta 10 pcs takoyaki
May minimum order din sila, tapos hindi pwede iba iba yung flavors, 2 flavors yung samin. Nakalimutan ko yung isa kasi parang Spam ata then yung Salted Egg, yun lang di ko nalasahan sila hahahaha, pero okay naman siya ibang flavor lang order ko next time.
9. Choco Xiao Long Bao - 100
Masarap talaga siya pag mainit para mafeel mo yung talsik talsik ng chocolate hahahaha, yung iba may talsik yung iba wala hahahhaha, tapos machewy yung white part medyo makapal din siya pero yung filling masarap chocolatey.
10 Tiramisu - 150
Ito masarap din, hindi ganon katamis di ka mauumay balanced lang siya, gusto ko sana yung dubai chewy choco nila kasi ang haba ng pila ahhaha, tapos tiktoker pala yung magseserve don nung bumili kami kasi nakilala nung friend ko, siya ata ang may ari.
11. Ilocos Empanada - 100
Ito excited ako kasi nagcrave ako, pumila pa talaga kami dito hahahhah. Kaso nung nakain na namin medyo nalungkot ako kasi parang hindi lasang longganisa yung ginamit nila na meat dito. Okay din naman yung suka pero yung nga yung napansin ko sakanya, goods pa din naman siya.
Madami dami din kami natry tikman, nakaka-overwhelm nga lang talaga yung dami ng tao. Madami pa din kami hindi natry so for sure tatry ko bumalik dito sa sunod. Yun lang bye! 💙
#fusionalley #fusionalleyfoodpark #viral
No comments:
Post a Comment