Let me share with you my experience sa product na to, i tried it for 2 weeks, let me share with you my thoughts.
Wala naman masyadong description yung product just this is a Mild Rejuv Skin. I don't usually go for rejuvenating sets per ewan ko bakit na-urge akong itry ito at ireview siya hahaha maybe nahook ako sa "Mild" na term kasi honestly takot talaga ako magrejuv dahil sa mga pagbabalat ng mukha hahaha but anyway eto na nga tayo.
This is the first time na mag review ng set especially rejuvenating products, but I'll try my best na hindi cluttered and thoughts ko for this review hehehe please bear with me guys thank you!
PACKAGING
So it comes with a sliding out cardboard box and pag open mo nakalagay na don sa manipis na karton yung mga product just like the usual na may support yung mga bottles or tubes. Honestly yung design sa loob ng box hindi ko masyadong bet lakas nya maka oldie for me hehe. But the outside looks okay naman cutie cutie i think they go for minimalist design packaging.
Also i think kulang ang information regarding sa products, especially yung information about sa individual bottles, though andon naman yun sa pinakang bottle/tube hindi mo siya makikita unless bubuksan mo yung box talaga and sobrang liit nila hindi masyadong nababasa like yung sa sunscreen and night gel, and for the facial wash naman nabubura since lagi siyang nababasa ng tubig kapag naliligo.
Plus points kasi may step by step process na nakaklagay sa likod ng box, i think malaking tulong siya sa mga baguhan sa mga rejuvenating sets na ganito. Very travel freindly din pala yung sizes ng mga bottles nito cute cute size lang.
PRODUCTS
Let's talk about sa individual products na kasama sa set na to and also my quick thoughts regarding sa isa-isang product na included.
CalmGlow Niacinamide Foamwash
For this facial wash, ngayon lang ako naka-experience ng ganitong klase na packaging, because nakaliquid form yung facial wash pero if you pump the nozzle magiging foamy/soapy siya. Kakaiba din yung nozzle niya, ngayon lang ako nakaexperience ng ganitong style ng nozzle hehehe.
I didn't experience any brightening effect and also wala din siyang tightening effect minsan kasi kapag may tightening effect nagddry yung mukha ko ewan ko kung ako lang ba yon. Malambot feels lang siya after using.
Ito yung ingredients ng facial wash ng CalmGlow, nakazoom siya kaya medyo low quality siya, just in case you are wondering as ingredients ng mga product na to.
CalmGlow Niacinmide Toner
Unang una may alcohol itong toner na to hahah, matagal tagal na rin nug huling gumamit ako ng toner na may alcohol. Since may alcohol to medyo masakit sa mata kapag inapply mo siya di ko alam kung ako lang since matagal tagal na kasi ako hindi gumamit ng toner na may alcohol kaya parang matapang yung dating niya sa akin.
Wala naman masyadong special sakanya, normal lang naman yung experince ko, yung 1st week of use lang medyo mahapdi siya sa mga active pimples ko as in everytime na naglalagay ako humahapdi talaga siya, nawala rin naman nung nawala yung active pimples ko. Hindi rin siya masyado nakakadry and tight ng face kahit meron siyang alcohol content.
As for the smell naman, malaka yung amoy ng alcohol niya.
Ito naman yung ingredeints for the toner, medyo nagtataka lang ako ang piankang name ng toner kasi is the Niacinamide Toner pero walang akong makita sa ingredients niya na niacinamide unlike sa facial wash, nag search din ako ng other term pero parang wala kasi. Hindi ko masyadong alam yung sa mga ingredients kaya please correct me if i'm wrong.
CalmGlow Sunscreen
I like that this comes in cute size tube packaging, madali mo lang siya mailagay sa kahit anong bag. I have this love-hate relationship sa sunscreen na ito. Gustong gusto ko siya kasi very lightweight siya, na-seset siya into a watery texture kaya parang walang kang nailagay sa mukha mo talaga kahit creamy yung consistency niya nadidissolve siya into water like texture and medyo refreshing siya sa mukha unlike sa mga ibang sunscreen kaya super like ko, pero ang hindi ko nagutuhan is sobrang bango niya as in super bango kahit inapply mo siya sa mukha mo ang tagal niyang mawala which yun ang isa sa mga di ko bet sa isang product, para na siyang pabango sa sobrang bango talaga. Actually i like the smell gusto ko yung mga ganun as perfume/cologne pero hindi sa product at tska medyo mataal talaga mawala yung amoy. So if you don't like din yung mga strong smell baka hindi mo siya magustuhan.
I also like yung idea sa dulo ng nozzle kasi mas may control ka sa prodcut na nailalabas kapag ganito yung style ng nozzle sa mga nasa tube na packaging.
look parang walang product na nilagay kaya nagustuhan ko siya.
This is the ingredients, super liit niya in person naka zoom lang siya, masakit sa mata basahin ahahhah.
CalmGlow Extra Peel Night Gel
Honestly, hindi ko nakita yung word na "Peel" sa product na to nung nagdecide akong bilhin, that's why natakot pa ako nung nagstart na akong gumamit, since sabi ko nga takotako sa mga peel peel sa rejuvenationg sets, pero wala na nabili ko na siya kaya go for the go na bahala na hahahahhah
Yung consistency nito is gel pero super gelly siya hindi siya yung runny consistency na parang serum kaya di ko masyadong nagets bakit nasa packaging siya ng mga serum, nahirapan kasi akong kumuha ng product kaya nafoforfeit yung dropper (not sure kung ito yung tamang term) kasi ang ginagawa ko is pinapahid ko yung mahabang part ng dropper sa mukha ko kasi hindi siya masyadong nakaakuha ng product pag pinipisil mo yung dropper, parang nahihirapan kasi siyang kumuha since masyadong gelly yung texture niya.
Katulad din ng sunscreen, itong night gel sobrang bango din niya, yung smell niya if hindi ako nagkakamali naamoy ko na sa isang shampoo yun din ang amoy nun i don't know kung alin pero ang naiisip ko sa Sunsilk ko siya naamoy. Ang tagal din mwala ng amoy niya sa mukha ko kaya di ko nagugutsuhan. And katulad din nung toner mahapdi siya sa mukha for the 1st week na ginamit ko tong product na to. Malamig din siya sa feeling kapag naapply na sa mukha mo.
Ito naman yung ingredients dito sa night gel, hindi ko talaga mabasa and natabunan din yung iabng part ng ingredients nung expiry date at production code ata yun nung product.
Just wanted to leave here na yung Sunscreen and Extra Peel Night Gel is madaling maubos, mas nauna siyang maubos kaysa sa toner ang facial wash.
EXPERIENCE
Ito yung before ako gumamit ng CalmSkin Calm Glow.
Day 4. Na-experience ko yung micro peeling diyan sa may chin area sa ibang part wala naman, also this time mahapdi na kapag naglalagay ka ng toner at Night Peeling Cream.
Sa unang week ng paggamit ko talaga naexperiemce yung paghapdi sa mukha actually gusto ko na nga siyang itigil, pero para sa review na to go for the go tayo, tiis ganda lang muna hahahha.
Day 10. Sorry for the face hahahha, lahat ng isheshare ko dito lahat yan bare face ko kaya pag pasensyahan niyo na. This time napansin ko na, medyo namumula yung cheeks and tzone ko, medyo halata na nag rerejuvenating set ka, which is hindi ko masyadong nagustuhan and may paghapdi din sa cheeks na part pag napawisan.
Also, makikita niyo na may parang highlighter sa cheeks ko, nastart ko na din pamansin na may glass skin effect yung set na to, kaya may pahighlight effect siya.
Day 12. Naleless na yung hapdi and yung redness sa cheeks ko, mas visible na sa buong mukha ko rin ang glass skin effect, pero hindi ako natutuwa ahhahah, ewan ko hindi siya healthy tignan lalo na sa personal kasi tinubuan din ako ng maraming bumps sa mukha, though nalessen niya yung pagka-active ng ibang pimples may iba pa din na natira na mamula mula pa, pero di ko talag alam bakit maraming tumubo na whiteheads at malilit na bumps.
I dont know if nakikita niyo yung mga maliit na parang whiteheads/bumps basta magaspang sila kapag hahawakan mo di lang aroung chin area meron din sa cheeks and noo.
Also after ko din gamitin yung set, masyadong naging visible yung pores ko as you cans e sa photo sa taas.
OVERALL
Mixed feelings ako dito sa product na to, may nagustuhan at hindi nagustuhan ako sa expereince dito, i still recommend na maitry niyo siya, lalo na if you want glass skin effect kasi maachieved niyo talaga siya especially sa mga dry skin, but if you have sensitive skin you can try din ang see if it works for you, hiyangan lang naman kasi yan per if sensitive kayo sa smell i wuoldnt reccomend it kasi sobrang lakas talaga ng scent niya. And para naman sa mga takot sa peeling, as for my expereince hindi malala yung peeling niya and hindi rin nagtatagal yung pagbabalat. May hapdi feeling din siya so take note doon.
If you'll ask me kung bibili ako nito ulit, i think hindi na, hindi siya yung go-to product ko, atleast naexpereince ko yung performance niya and masasabi ko na hindi para sa akin yung product nato. Also pala i think you need to have moisturizer parin if gagamitin mo tong product na to,yun yung kulang sakanya kaya hindi ko nagustuhan yung glass skin na naranasan ko dito katulad ng sinabi ko kanina hindi ganun kahealthy yung face ko kahit na may glass skin effect pa siya.
PRICE
379 PESOS
WHERE TO BUY?
Resellers,Shopee and Lazada
That's all for my review today. I hope you enjoy and i hope this was helpful for some of you guys
Have you tried out this product? What are your thoughts about it?
Leave them in the comment section below.
Leave them in the comment section below.
Thanks for the time to read!
Have a nice day!
See you on my next post, bye ♥
No comments:
Post a Comment